In this world, there will always be rich and poor. Rich in gifts, poor in gifts. Rich in love, poor in love.
Wednesday, August 20, 2008
Uuwi na ako. Pagod na ako, ayaw ko na dito- nakakahilo, paulit-ulit na lang araw-araw. Nakakabagot din pala ang mag-review na mag-isa, ngayon ko lang na-realize. Hindi kasi natuloy si Stella. Tsk! Sabagay, hindi ko rin naman talagang inaasahang matutuloy siya- masarap lang pagpantasyahan na makakasama ko siya sa review sa loob ng tatlong buwan. Totoong buhay nga pala ito, hindi nobela. Paano nga kaya kung natuloy siya? Malamang wala akong napag-aralan ni isa. Malamang ubos parati baon ko. Malamang nahulog loob niya sa akin. Hah! Nananaginip na naman ako. Anyway, uuwi na ako. Nakabili na ako ng tiket. Gusto ko nga sana bukas na kaagad kaya lang walang biyahe- sa biyernes pa. Lintik. Sa Butuan ko na lang ipagpapatuloy ang naumpisahan ko. May ilang chapters pa akong dapat tapusin at kailangan ko pa din pataasin score ko sa mga exams- ambababa kasi. Di bale, wala pa naman akong natatanggap na sulat o anuman mula sa CTS. May panahon pa. Medyo kinakabahan lang ako, medyo matagal-tagal na rin ang lumipas- di kaya nawala na nila ang application ko? Ah, hindi! Patience lang, mon ami. Hindi pa naman ako ready- gagamitin ko na lang ang paghihintay sa paghahanda ko sa exam. Huwag lang sanang abutin ng isang taon, Diyos ko! Gusto ko nang bumalik sa trabaho, wala na akong pera! Maipasa ko lang ang lintik na NCLEX na yan, wala na akong iisipin pa at makakahinga na ako ng maluwag. Pero sa ngayon, babalik na muna ako sa amin. Kaya, sa muli, paalam na Cebu!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment